KUNG HINDI UKOL, HINDI BUBUKOL
Nakaranas ka na ba ng isang pangyayari na kung saan ibinigay mo ang lahat na iyong makakaya, nagpursigi ka, pero sa bandang huli ay napunta lang sa wala? Siguro lahat naman tayo ay nakaranas na ng ganitong pangyayari na kung saan pumapasok sa ating isipan "ano bang kulang sa ginawa ko?", "hindi ba sapat lahat nang sakripisyo, pawis, pagod, at determinasyon na ginawa ko?". Maihahalintulad natin sa pangyayaring ito ang isang kataga na "Kung Hindi Ukol, Hindi Bubukol", isang kataga na sa una ay hindi madaling intindihin sapgkat may malim na kahulugan pero kapupulutan ng madaming aral sa huli patungkol sa kapalaran ng ating buhay.
Ang katagang ito ay katagang may malalim na kahulugan, ipinapahiwatig nito na ang mga bagay na hindi para sayo ay hindi mapapasayo. Sa madaling salita, kung ang isang bagay ay hindi para sayo, kahit anong pagsisikap, determinasyon, pagtitiis, o paghihirap ang gawin mo ay hindi mo ito kailanman makakamtan. May mga oras talaga na kung saan ang tadhana ay tayo'y pinaglalaruan tuwing tayo ay nagsusumikap sa isang bagay, na kung saan ay libo-libong problema ang ibinibigay sa atin na akala natin ay isang katutak na libro na ipinapatong sa ating likod,at tila ba'y nagsesenyas na itigil na natin ang ginagawa at sinasabing may mga bagay talaga na hindi nakatakdang mangyari sa ating buhay.
Sa ating buhay, kailanman nating tanggapin na hindi mapapasaatin ang isang bagay, at mas magandang isipin na mas may magandang plano ang panginoon para sa atin. Tandaan natin na hindi lahat ng bagay na gusto natin ay mapapasakamay sa atin. Ipinapahiwatig nito na ang mga bagay na nakaayon sa ating buhay ay dadating sa tamang panahon at hindi dapat madaliin, pero ang tanong ay, kailan ang tamang panahon na iyon?
No comments:
Post a Comment