Thursday, December 5, 2024

SINO SI JULLIAN JAMES BENDO?

  Isang Mapagpalang Araw! Alam kong marami sa inyo ang nagtataka, sino nga ba si Jullian James Bendo? Siya ba ay isang Artista? Singer o Dancer? Ang totoo diyan, siya ay isang determinadong estudyante.

   Ako si Jullian James Bendo, labing-anim na taong gulang. Isang STEM student sa mataas na paaralan ng Sta. Lucia. Marami akong pangarap na gustong makamit, gayundin ang mga hilig kong gawin.

    Magtataka rin kayo, ano ang mga hilig gawin ni Bendo?  Tuwing ako ay walang ginagawa, mahilig akong maglaro ng badminton o kaya naman ay ang manood ng mga movies sa netflix. Pero ang pinakagusto kong gawin ay..ang KUMAIN!! Tama, mahilig akong kumain lalo na kung ito ay matamis. Isa rin akong taekwondo black belter player noon, ngunit nahinto ito dahil sa pandemic noong 2020, at napag-isipan kong magpokus na lang ako sa pag-aaral.


   At ayan, sana nagkaroon kayo ng unting kaalaman patungkol sa akin. Muli, ako si Jullian James Bendo, magkita ulit tayo sa susunod, Paalam!!


No comments:

Post a Comment

SURING-AKLAT: Pang MMK na Isinulat ni John Lapus

 Sta. Lucia High School #30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia, Pasig City PANG MMK Ni John Lapus ABS-CBN PUBLISHING INC., 2018 Isang Sur...