ANG BATANG MAY PANGARAP
Sa bayan ng Pasig, may isang ordinaryong bata na punong-puno ng pangarap, siya ay si Jullian James Bendo. Si Jullian James Bendo ay labing-anim na taong gulang, nakatira sa Baranggay Rosario, at kasalukuyang nag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Sta. Lucia, kinukuha ang akademikong track na STEM. At sa kasalukuyang, nais niyang magkamit ng may mataas na karangalan. At pagtanda ay gusto niyang maging isang Civil Engineer sapagkat matagal niya na itong pangarap simula ng siya ay bata pa.
Si Jullian James Bendo ay ipinanganak sa probinsiya ng Lucena, Quezon. Siya ay isang adventurous, kind, extrovert, creative na bata. Maari niyo siyang tawagin “Jj” Basta kayo ay matagal ng magkaibigan. Siya ay may alagang aso na nagngangalang “Kiwi”, isang mixed breed na aspin at dachshund. Siya ay isang taekwondo black belter player noon at nakakamit ng mga madaming medalya, ngunit siya ay nahinto dito dahil sa Pandemic.
Mahilig siyang gawin ang mga sumusunod, Una, mahilig siyang sumayaw, patunay dito ay sumali siya sa Inter-School Streetdance noong nakaraang taon at nagwagi bilang 3rd placer. Pangalawa, mahilig siyang kumain lalong-lalo na ang matatamis katulad ng leche flan, graham, macaroni salad, at pitchi-pitchi. Pangatlo, mahilig siyang manood ng mga movies, paborito niya ang mga genre na fantasy, action, at paminsan ay horror. Pang-apat, hindi lang siya ay isang taekwondo player, mahilig rin siya maglaro ng badminton at volleyball.
At naniniwala siya na huwag kang susuko kung gusto mo itong makamit sapagkat ang pagiging dedikado sa isang bagay ay makakatulong upang makamit natin ito.

No comments:
Post a Comment