WALANG MAHIRAP NA GAWA, PAG DINAAN SA TIYAGA
Lahat tayo ay nakaranas na nang isang pangyayari na kung saan ay hirap na hirap na tayo sa isang bagay at tila'y nagdadalawang isip kung ito'y ipagpapatuloy pa sapagkat mukha namang walang magandang dulot ang ibinigay nito. Ang katagang "walang mahirap na gawa, kapag dinaan sa tiyaga" ay kapupulutan ng aral na nagpapaalala sa atin na sa buhay, lahat ng bagay kayang makamtan basta't tayo'y magpursige at magsikap upang makamit ito.
Sa bawat layunin at pangarap na nais nating maabot, sigurado na may mga pagsubok at balakid tayong haharapin, ngunit ang susi para sa tagumpay ay hindi ang pagmamadali o pagshort cut sa mga bagay, kundi ang pagkakaroon ng determinasyon at tiyaga sa kabila ng lahat ng hamon para lang makamit ito. Sa bawat hakbang na tinatahak natin, dumadaan tayo sa isang libong proseso para makamit ang isang bagay. Ang sa madaling salita, ang katagang ito ay nagpapahayag na walang madaling bagay sa buhay ng isang tao, kailangan nating dumaan sa mga pagsubok para makamit ang mga ito, magiging madali lang ito kung tayo ay magsusumikap, magiging matiyaga, at determinado. Walang mahirap sa buhay ng isang tayo kung siya ay dedikado, handang paghirapan ang isang bagay, magtiis, at gustong makamit ito. Bilang estudyante na dumaan na sa madaming proseso at pagsubok para lang abutin ang aking pangarap, may mga bagay na imposible na nagiging posible at ito'y ating nakakamit, dahil ito sa tiyaga at determinasyon na mayroon ang isang indibidwal.
Sa buhay, maraming mga pagsubok at hadlang na maaring magpahina sa kalagitnaan ng ating proseso at magdulot ng panghihina ng loob. Ngunit katulad nga ng kahulugan ng kasabihan na ito ay ang mga hamon ay kayang lampasan kung tayo ay patuloy na magsisikap para sa ating mga pangarap. Ang daan para makamit ang isang pangarap ay hindi nakabase sa likas na talino o sa kung anong bagay ang mayroon ka, kundi sa pamamagitan ng pagsusumikap at tiyaga.
No comments:
Post a Comment