WALANG KATUMBAS NA PAGMAMAHAL
Ang kantang “Anak” na isinulat ni Freddie Aguilar ay ipinipakita na mahalin natin ng punong-puno ang ating mga magulang kahit ano man ang ating pagdaanan.
Ang ipinapahiwatig ng kantang ito ay walang kapantay at walang tatalong pagmamahal ang isang ina. Patunay dito ay kahit madaming pagsubok ang iyong pinagdadaanan ay palaging nandyan pa rin ang ating magulang at handa tayong tulungan sa anumang panahon. Ipinapahiwatig din dito na gusto lang ng ating magulang ang mga bagay na kung saan ito ay makakabuti para sa atin, at kaya nila ginagawa ang mga bagay na kung paminsan ay ating kinaiinisan ay para mapunta tayo sa magandang kinabukasan at iwasang mapunta sa wala ang ating buhay.
Sa kantang ito, maihahambing ko ang katagang “Alam ng nga magulang ang ikakabuti mo” sapagkat mapapansin natin sa kanta na pinapaalalahanan ng ina ang kaniyang anak sa mga bagay na gusto nitong gawin na alam ng kaniyang ina na hindi ito maganda para sa kaniya at ayaw niyang mag-sisi sa huli ang anak.
Lagi nating tandaan na ang pagmamahal ng isang magulang ay walang katumbas, kapantay, at walang makakatalo kaya siguraduhin nating mahalin rin natin sila pabalik at huwag sayangin ang magandang buhay na ibinigay nila para sa atin.
No comments:
Post a Comment