![]() |
Ang Aking Sandalan |
ANO ANG AKING LAYUNIN?
Sa ating mundong kinagagalawan, lahat tayo ay may layunin na kahit madaming pagsubok ay kailangan nating maabot. Layunin na nais nating makamit, layuning matagal nang inaasam, layuning magdudulot ng magandang kinalabasan. Isa na ako don, marami akong layunin sa buhay na dapat kong makamit. Lagi kong ipinapasok sa aking isipan na “dapat magawa ko ang aking layunin “, layunin na magbabago sa takbo ng aking buhay sa hinaharap. Mga layuning nagsisilbing gabay para ako'y magpatuloy sa takbo ng buhay. Pumapasok sa aking isipan “Ano Ang aking layunin?”.
Ito ang mga layuning matagal ko nang kaagapay sa aking buhay, layunin kong mag-,aral ng mabuti, makapagtapos ng pag-aaral upang ako'y makakuha ng diploma na magiging ebidensiya na ako ay nakapagtapos. Layunin ko na mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking mga magulang sa hinaharap, nais kong maipakita sa aking mga magulang na Ang kanilang mga sinakripisyo para sa akin ay hindi napunta sa wala. Isa pa, layunin kong makita na Ang aking mga magulang ay proud na proud sa mga achievements na aking natanggap. Sa lahat ng mga nabanggit kong layunin, hindi ko ito makakamit kung wala ang mga mahahalagang tao na ito, ang aking magulang, at mga kaibigan. Mga tanong nagsilbing sandalan ko tuwing ako'y nanghihina, sila ang tumutulong para ako'y makabangon at makipagsapalaran ulit. Kung wala sila, siguro wala na rin ako. Kaya masaya ako na nakikala ko sila, mga gabay ko sa takbo ng aking buhay.
Kahit gaano pa kadami ang pagsubok ang humahadlang sa ating upang makamit ang mga layunin na ito, lagi nating tandaan na huwag sumuko hangga't hindi mo ito nakakamit. Tandaan mo na ang mga layunin na ito ang nagwsisilbing tulay para sa mga bagay na gusto mong makamit. Ngunit, hindi tayo sigurado kung kailan natin ito makakamit, sa tingin ko, malalaman natin iyon, sa tamang panahon.
No comments:
Post a Comment